Old Poem: "Bagong Araw"

I wrote this originally to be a song back in 2013. "Bagong Araw" holds this message: No mountain is insurmountable because with God all things are possible. Watch the narrated version here: https://youtu.be/qjfio_0nNvw - or simply enjoy reading below...




Bagong Araw 


1

Ikaw ba'y mayro'ng iluluha pa,

O sadyang tuyot na ang mga mata?

May dahilan bang muli pang ngumiti

O mga sugat mo'y lubos na kay hapdi?


2

'Wag padadaig sa gabing madilim,

Dahil kay tagal man ay sisikat din

Pag-asang dala ng liwanag sa langit

Dalangin mo ay Kanyang diringgin.


Chorus:

Sa pagdating ng bukang-liwayway,

Muling makikita ang diwa ng buhay,

Mayro'n na namang dahilang ngumiti,

Dahil ang Dios ay kasamang lagi.

Ang panalangin ay lakas at gabay,

Sa 'yong pagtungo sa isang bagong buhay

Aahon, babangon, sisikat muli 

Pag-asa sa buhay na may tagumpay!


3

Kahit ang kahapo'y naging kay hapdi,

Sa iyong bukas ay maaring magwagi,

Basta't ang tiwala'y iyong ilagay

Sa tanging kamay Niyang may tunay na buhay.


(Chorus)


Bagong pag-asa ang dala ni Kristo,

At bagong araw na sa pagmulat mo...



[END - but you may also view the video below:]




Comments

Top of UpShop (recent reader favorites)